Panukalang early voting para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs), pinamamadaling aprubahan sa Senado

Pinapamadali sa Senado ang pag-apruba sa House Bill 9562 o ang panukalang early voting para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa 2022 national and local elections.

Sa interview ng RMN Manila kay sa author nito at Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez, nakabinbin lamang sa senado ang house bill 9562 matapos inaprubahan ng mababang kapulungan noong Agosto 24 ngayong taon.

Ayon kay Rodrgiuez, makakatulong ang early voting sa halos 14 milyong populasyon ng senior citizens at PWDs sa bansa para hindi na sila makipagsiksikan upang makaboto.


Kapag naaprubahan ang panukala, pinapayagang makaboto ang mga ito pitong araw bago ang halalan sa May 9, 2022.

Facebook Comments