Panukalang “early voting”, pasado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 259 mga kongresista at walang tumutol ay lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7576.

Ito ay panukala para sa “early voting” o maagang pagboto sa national at local elections ng mga kwalipikadong senior citizens, persons with disabilities o PWDs, mga abogado at health care workers.

Base sa panukala, ang mga botante sa nabanggit na sektor ay kailangang magpatala sa “nationwide registration” ng Commission on Elections (COMELEC) at pwede silang bomoto 7-araw, bago ang itinakdang eleksyon.


Ikinatuwa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpasa ng Kamara sa naturang panukala na kapag naisabatas ay papabor sa disadvantaged sectors at sa mga naghahatid ng serbisyo sa mamamayang Pilipino tuwing may halalan sa bansa.

Facebook Comments