Hindi kailangang madaliin ang pag-apruba sa panukalang Economic Charter Change (Cha-Cha).
Ito ang inihayag ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos makalusot na kahapon sa Kamara ang Economic Cha-Cha sa huling pagbasa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Garbin na ngayong aprubado na sa Kamara ang panukala ay maraming oras ang Senado upang pag-aralan at pagdebatehan ito.
Paliwanag pa ni Garbin, sa susunod na taon pa inaasahang mangyayari ang plebisito na makakasabay ng 2022 national elections.
Facebook Comments