Panukalang Economic Cha-Cha, hindi kailangang madaliin ayon sa isang mambabatas

Hindi kailangang madaliin ang pag-apruba sa panukalang Economic Charter Change (Cha-Cha).

Ito ang inihayag ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos makalusot na kahapon sa Kamara ang Economic Cha-Cha sa huling pagbasa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Garbin na ngayong aprubado na sa Kamara ang panukala ay maraming oras ang Senado upang pag-aralan at pagdebatehan ito.


Paliwanag pa ni Garbin, sa susunod na taon pa inaasahang mangyayari ang plebisito na makakasabay ng 2022 national elections.

Facebook Comments