Panukalang economic Charter Change, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa viva voce voting, inaprubahan ng mga kongresista ang Resolution of Both Houses No. 2 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco.

Sa panukalang economic Charter Change ay isisingit ang katagang “unless otherwise provided by law” para luwagan ang limitasyon sa foreign ownership sa natural resources, public utilities, educational institutions, media at advertising sa Pilipinas.


Inaamyendahan naman dito ang Articles 12 (National Patrimony and Economy), 14 (Education, Science, Technology, Arts, Culture and Sports) at 16 (General Provisions).

Hindi naman isasama dito ang Section 7 ng Article 12 patungkol sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.

Sa susunod na linggo o bago ang sine die adjournment sa June 4 ay target na aprubahan ang economic Cha-Cha sa ikatlo at huling pagbasa.

Facebook Comments