Panukalang Education Commission, inaasahang maisasabatas bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte

Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maisabatas ang Education Commission o EDCOM II matapos na maratipikahan ng Kongreso ang bicameral conference committee report.

Sinabi ng kongresista na nagsusulong nito na si Marikina Rep. Stella Quimbo na layunin ng EDCOM II na magkaroon ng komisyon na kikilatis sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Paliwanag ng kongresista, ang naturang komisyon ang magrerekomenda ng mga solusyon at mga reporma na mag-aangat ng kalidad ng edukasyon sa bansa.


Naniniwala ang mambabatas na makatutulong ang EDCOM II para mabigyan ng solusyon ang education crisis na nararanasan ngayon ng mga kabataan.

Pangunahing nakaapekto sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang halos dalawang taon na distance learning dahil sa banta ng pandemya.

Facebook Comments