Panukalang Filipino citizenship para kay Justin Donta Brownlee, pinagtibay na ng Kamara

Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ang panukalang naturalization ni Ginebra resident import Justin Brownlee para siya ay makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup sa Pebrero ng susunod na taon.

 

274 ang mga kongresita na bomotong pabor sa House Bill 6224 sa o panukalang naturalization ni Brownlee, kung saan walang tumutol at isa lang ang nag-abstain.

 

Si Brownlee, 34-anyos at mula sa Georgia, United States, ay kilalang import ng Barangay Ginebra ng Philippine Basketball Association o PBA.


 

Una rito ay nag-courtesy call kay House Speaker Romualdez Martin Romualdez at nagbigay pa ng bolang pirmado niya.

 

 

Pinuri naman ni Speaker Romualdez ang hangarin ni Brownlee na maging Pilipino at para katawanin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Facebook Comments