Panukalang gawing 2 taon ang probationary period ng mga empleyado, dinepensahan

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Probinsyano Ako party-list Representative Jose Singson Jr. ang panukala niyang gawing dalawang taon ang probationary period ng mga empleyado.

Kasunod ito ng pagtutol sa House Bill 4802 ng DOLE, labor groups at maging ng mga kapwa niya mambabatas.

Paliwanag ni Singson – layon ng panukala na bigyan ng continuous gainful employment ang mga manggagawa.


Ibig sabihin, ang isang empleyadong bagsak sa evaluation ng employer pagkatapos ng anim na buwan ay hindi agad mate-terminate, sa halip ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho pa nang mahaba at mapagbuti pa ang kanyang performance.

Hindi rin naman aniya pinipigilan ang panukala na i-regular ng employer ang isang empleyadong mahusay sa trabaho pagkatapos ng anim na buwan.

Nakasaad din aniya sa inihain niyang panukala na makakatanggap na rin ang isang probi ng mga benepisyong natatamasa ng mga regular employees pagkatapos ng isang taon

Facebook Comments