Tutol ang Commission on Higher Education (CHED) sa inihaing House Bill 569 ni Bacolod Representative Greg Gasataya.
Sa ilalim ng panukala magiging alas 8:30 ng umaga ang pasok sa paaralan ng mga kinder hanggang kolehiyo.
Ikinatwiran ng kongresista sa paghahain ng nasabing panukala ang kasalukuyang sitwasyon ng transportasyon ng bansa.
Pero para kay CHED Executive Director Julito Vitriolo – maraming dapat isaalang-alang bago ipatupad ang panukalang ito.
Ayon naman kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo – may bentahe naman kung alas 8:30 ang pasok sa umaga pero may ilang lugar sa bansa na shifting ang pasok ng mga estudyante partikular ng Metro Manila.
Bukas naman si Gosataya sa mga mungkahi ng academic sector.
Aniya, pwede pa naman itong pag-usapan sa oras na sumalang ang panukalang batas sa committee hearing ng Kongreso.