Manila, Philippines – Lusot na sa House Committee on Labor and Employment ang panukalang gawing apat na araw na lang ang pasok sa mga trabaho.
Sa ilalim ng house bill no. 5068 na inihain ni Baguio Rep. Mark Go, layon ng panukala na isulong ang boluntaryong compressed work week scheme.
Dito, dadagdagan ang oras ng trabaho ng mga manggagawa para malimitahan naman ang araw ng kanilang pasok.
Pero paglilinaw ni Go, hindi naman required ang mga kumpanya na mag-4 day work week.
Sakaling may mga pribadong kumpanya na gustong magpatupad ng 4-day work week, kailangan lang itong paaprubahan sa DOLE maliban na lamang kung tuluyang maisasabatas ang panukala.
Naniniwala naman si Go na maraming benepisyo sa 4-day work week.
Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mas mahabang pahinga, bawas traffic, makatitipid sa pamasahe at baon ang mga empleyado habang makatitipid din sa araw-araw na gastos sa operasyon ang mga kumpanya.
DZXL558