Manila, Philippines – Tanggap ng Malacañang ang panukala ni Senador Vicente Sotto III na gawin na lamang isang Drug Enforcement Academy ang Mega Drug Rehabilitation Center sa Nueva Ecija na ipinatayo ng isang Chinese philanthropist.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa umpisa pa lamang, batid na ng gobyerno lalo na ang mga opisyal mula sa Department of Health na hindi permanente ang istruktura bilang isang recovery at treatment para sa mga drug adik sa bansa.
Paliwanag pa ni Roque, sa oras na maresolba ang problema sa ilegal na droga ay ibabalik na ang lupang ginamit para sa Mega Drug Rehab Center sa militar.
Matatandaan na sinabi ni dating Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na mali ang pagpapatayo ng Mega Drug Rehabilitation Center na naging dahilan ng pagpapa-resign sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.