Pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ng House of Representatives ang House Bill 10439 o panukalang Medical Cannabis Law.
117 na mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala, 9 ang tutol, at 9 na abstention.
Sa ilalim ng panukala ay itatayo ang Medical Cannabis Office (MCO) na siyang maglalatag ng regulasyon sa pag-angkat, pagtatanim, paggawa, pagtatago, distribusyon, at pagbebenta ng medical cannabis ng mga awtorisadong ospital, klinika, drug store, accredited dispensaries, at iba pang health facility.
Ang MCO rin ang mag-a-accredit ng mga doktor na puwedeng magreseta ng medical cannabis.
Bunsod nito ay umaapela si House Deputy Speaker at Isabela 1st District Tonypet Albano sa Senado na ipasa na rin agad ang kaparehong panukala para maipadala na sa pangulo at mapirmahan upang tuluyang maisabatas.