Panukalang gawing magkakaibang araw ang 2022 election, pinaboran ng mga Senador

Mayorya ng mga Senador ay pumabor sa panukalang gawin sa magkakaibang araw ang 2022 national elections.

Kasunod ito ng naging rekomendasyon ni National Task Force against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr., na mukhang malabo ang isang araw na botohan dahil sa banta ng COVID-19 variants.

Kasama sa mga pumabor sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Francis Pangilinan.


Ayon kay Drilon, kung walang magiging paglabag sa 1987 Constitution ay mabisang isagawa ang suhestiyon ni Galvez.

Habang paliwanag naman ni Pangilinan, tulong ito sa pagtiyak sa seguridad ng mga botante na magtutungo sa mga polling precints sa araw ng eleksyon.

Suportado din ang suhesyon nina Senator Risa Hontiveros at Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Maliban sa mga senador, wala ring naging problema ang plano sa mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) maging sa mga guro at iba pang tutulong sa eleksyon.

Facebook Comments