Panukalang gawing National Polytechnic University ang PUP, binasura ni PBBM

Vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang gawing National Polytechnic University o NPU ang Polytechnic University of the Philippines o PUP.

Layunin ng panukalang batas na kilalanin ang PUP bilang isang national university na may espesyal na mandato sa pagbibigay ng de-kalidad, abot-kaya, at mas malaking access sa pondo at iba pang resources mula sa pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagkaroon na aniya ng direktiba noong 2016 na dapat magkaroon ng assessment tungkol dito.

Pero sa ngayon aniya, hindi nagkaroon ng compliance ang PUP para sa re-assessment nito na makuha ang national university status.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na magkakaroon ng national university status ang PUP oras na ma-comply nila ang mga kailangang requirements.

Samantala, hindi na idinetalye ng Palasyo kung ano ang mga requirement na hindi naabot ng PUP para ma-grant ang naturang status.

Gayunpaman, tiniyak ni Castro na ito ay naaayon sa pag-aaral at re-assessment.

Facebook Comments