Panukalang gawing one-way ang kalsada, kailangang pag-aralan – MMDA

Manila, Philippines – Malabong maipatupad ang ipinapanukala ni Samar Rep. Edgar Sarmiento na gawing one-way ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa interview ng RMN kay MMDA Spokesperson Celine Pialago – bagamat bukas sila sa anumang mungkahi ay kailangan itong pag-aralang mabuti.

Sinabi rin ni Pialago, asahan na rin ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo’t papalapit ang holiday season.


Aniya, magiging katuwang lamang ng MMDA ang mga tauhan ng PNP-Higway Patrol Group sa pagmamando ng trapiko kapag mabigat ang sitwasyon sa lansangan.

Sa kabila naman ng mahigpit na pagsusulong ng MMDA sa no weekend o no payday sale policy, walang hurisdiksyon ang MMDA na pigilan ang mga malls na gawin ang mga sale sa mga nabanggit na araw.

Facebook Comments