Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ang House Bill no. 8569 o ang panukala na gawing requirement ang pagkakaroon ng tree planting plan (TPP) sa pagkuha ng building permit para sa residential, commercial, industrial, at public building development projects.
266 ang mga mababatas na bomoto pabor sa panukala na layuning labanan ang epekto ng climate change at pagkasira ng kalikasan.
Nakasaad sa Section 4 ng panukala na tutukuyin ang uri ng punong itatanim depende sa lokasyon, klima, at topograpiya.
Inirerekomenda naman ng panukala ang pagtatanim ng ornamental plant at puno na madaling tumubo sa lugar at mga namumungang puno sa mga residential area.
Facebook Comments