Panukalang gawing special non-working holiday ang January 9, isinusulong

Manila, Philippines – Pinadedeklarang special non-working holiday sa buong bansa ang January 9 ng kada taon bilang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sa ilalim ng House Bill 8812 na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sinabi nito na magkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga sasama sa mga aktibidad ng Pista ng Poong Nazareno.

Ayon kay Vargas, ang Feast of Black Nazarene ang isa sa mga pinakamalaking religious celebrations sa bansa.


Kapag naging batas, kailangang tumulong ang ilang ahensya ng gobyerno sa Traslacion at iba pang event sa Pista ng Poon.

Facebook Comments