Panukalang gawing special prosecutor si Pangulong Duterte sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno, hindi pinaboran ni Secretary Panelo

Manila, Philippines – Hindi pabor si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa panukala ni Atty. Larry Gadon na gawing special prosecutor sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrido Duterte.
Ayon kay Panelo, ipinagbabawal sa batas na humawak ng ibang puwesto ang isang Presidente sa panahon ng kanyang termino.
Aniya, tanging ang kongreso lang ang may ekslusibong kapangyarihan para magsagawa ng impeachment proceedings sa sinumang inirereklamong opisyal.
Kung maaalala, si Gadon ang nagsampa ng impeachment complaint laban kay Sereno na idinekla ng House Justice Committee bilang sufficient in form and substance.

Facebook Comments