Panukalang gawing tutors ang mga college students sa mga mas batang estudyante, isinusulong sa Senado

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang gawing tutors ang mga college students sa mga mas batang estudyante.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act na inihain ni Senator Sherwin Gatchalian, maaaring mag-volunteer ang mga tertiary level students upang magturo ng ilang vital subjects katulad ng English, Science at Mathmatics.

Mababatid na inilahad ni DepEd-National Capital Region education program supervisor Jennifer Vivas na batay sa isinagawa nilang Rapid Literacy Assessment ay lumalabas na 49,000 sa 388,000 na Grade 1 hanggang 3 students sa NCR ay hindi marunong magbasa.


Lumalabas din sa datos ng World Bank, umabot sa 90.5% ang learning poverty sa Pilipinas.

Ibig sabihin, siyaw sa bawat sampung kabataang Pilipino na edad 10 ang hindi makapagbasa o hindi maka-intindi ng simpleng istorya.

Sa ilalim ng ARAL program ay magsisilbing tutors ang mga college students sa loob ng dalawang semester at kikilalanin bilang pagkumpleto sa Literacy Training Service ng National Service Training Program (NSTP).

Facebook Comments