Panukalang half cup of rice sa mga restaurant, makakatugon sa pagkasayang ng pagkain at may magandang benepisyo sa kalusugan

Pormal nang isinulong ni House Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang mag-obliga sa mga restaurant sa buong bansa na isama sa menu ang pagsi-serve ng kalahating tasa o takal ng kanin sa kanilang customers.

Nakapaloob ito sa panukalang “Rice Waste Reduction Act of 2023” na inihin ni Garin na layuning mabawasan ang pagkasayang ng pagkain lalo na ang kanin na marami ang pwedeng makinabang.

Tinukoy ni Garin ang datos ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na base sa computation noong 2015 ay umaabot sa P7.2 billion ang kabuuang halaga ng nasasayang na bigas o kanin sa bansa.


Sabi ni Garin, target din ng kanyang panukala na maisulong ang balanced and sustainable eating habits na makabubuti sa kalusugan ng mamamayan.

Binanggit ni Garin, na sa ngayon ay may 46 lungsod na sa Pilipinas ang nagpapatupad ng half-cup rice serving option tulad ng Quezon City, Manila, Davao, Cebu, Puerto Princesa, Baguio, at Iloilo.

Facebook Comments