Panukalang hawakan bilang institusyon ang Barangay Health Workers muling isinulong ng DILG

Isinulong muli ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang batas na pangasiwaan ng isang institusyon ang Barangay Health Workers sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon nito na masakupan ng karagdagang benepisyo at insentibo ang Barangay Health Workers na kabilang sa frontliners.

Plano na rin ng DILG na ipahawak sa mga health worker ang mga karagdagang barangay isolation facilities na gagastusan ng ₱4 billion.


Sa ngayon ay naghahanap pansamantala ng ibang sources ang ahensiya para ipamigay na ayuda sa mga Barangay Health Workers na nasa mga maraming lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments