Isinusulong sa Mababang Kapulungan na maitaas sa ₱100 bilyon ang kasalukuyang ₱35 bilyon na budget para sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nakapaloob ito sa pannukalang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE act.
Sabi ni Romualdez, layunin ng panukala na matulungan at mapalago ang mga maliliit na negosyante sa bansa upang makalikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na pagkakakitaan ng publiko.
Binanggit ni Romualdez na sa ilalim ng panukala ay oobligahin ang mga government financial institution na maglaan ng pondong ipapautang sa mga micro, small and meduim enterprises.
Pinaglalaan ng panukala ang Land Bank of the Philippines na maglaan ng ₱7.5 bilyon sa loan program para sa MSMEs habang ₱2.5 bilyon naman ang sa DBP.
#######