Target ng Kamara na maaprubahan ang panukalang P6.352 trillion para sa 2025 national budget ngayong araw.
Ito ay matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang budget.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mamayang gabi ay sisikapin nilang maipasa ang proposed budget sa pinal na pagbasa, upang mai-transmit na ito sa Senado.
Ayon kay Romualdez, ang General Appropriations Bill ang pinaka-importanteng batas na tinatalakay ng Kamara, at wala na umano silang nakikitang anumang hamon sa pagpasa nito.
Layunin aniyang maaprubahan ang pondo sa takdang oras para sa progreso, kasaganahan, at kaunlaran ng bansa.
Facebook Comments