Panukalang hiwalay na insurance program para sa mga senior citizens, isinulong sa Kamara

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na magkaroon ng hiwalay na senior citizens’ insurance program o S-CHIP sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Iminungkahi ito ni Salceda sa pagdinig ng House Committee on Health sa inihain niyang House Bill No. 52 o panukalang PhilHealth Reform Act.

Giit ni Salceda, mahalaga ang ganitong programa para sa mga kababayan nating nakatatanda na madalas ay malaki ang kailangang bayaran sa ospital pero nakakalungkot na karamihan sa kanila ay kapus sa salapi.


Ayon kay Salceda, ang pondo para sa S-CHIP ay pwedeng kunin mula sa bagong “sin taxes” at kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) gayundin sa “excess funds” o sobrang pondo ng PhilHealth.

Facebook Comments