Panukalang house arrest kay FPRRD, hindi nangangahulugan ng pagpapauwi sa Pilipinas

Nilinaw ni Senator Alan Peter Cayetano na hindi mangangahulugan ng pagpapauwi sa bansa ang isinusulong na house arrest kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Cayetano, ang panukalang house arrest kay FPRRD ay katumbas ng mahigpit na detensyon sa labas ng International Criminal Court (ICC) pero ito ay sa The Hague, The Netherlands pa rin.

Sinabi pa ni Cayetano na mas mahigpit ang house arrest set up kumpara sa regular na kulungan pero mas mainam ang ganitong set up para sa kalagayan ngayon ng dating Pangulo.

Iginiit din ng senador na legal at pwedeng hilingin ang house arrest para kay dating Pangulong Duterte.

Maaari aniyang magmungkahi ang gobyerno ng mga alternatibong arrangement tulad ng house arrest pero depende pa rin iyan sa pagpayag ng ICC at ng The Netherlands bilang host country.

Facebook Comments