Panukalang humihikayat kay PBBM, Speaker Romualdez at Senate President Zubiri na lumahok sa Nuclear Energy Summit, pinagtibay ng Kamara

Hinikayat ng House of Representatives sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri na maging “official delegates” ng Pilipinas sa kauna-unahang Nuclear Energy Summit.

Ang naturang apela ay nakapaloob sa House Resolution 1591 na pinagtibay ng Kamara at ini-akda ni House Special Committee on Nuclear Energy Chairman at Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco.

Gaganapin ang summit sa Brussels, Belgium sa March 21 at 22 ngayong taon na dadaluhan ng iba’t ibang mga lider sa buong mundo.


Giit ni Cojuangco, mainam na lumahok tayo sa naturang summit kung saan tatalakayin ang papel ng nuclear energy sa pagtugon sa mga hamon sa sektor ng enerhiya, pagbabawas ng fossil fuels, pagpapalakas sa energy security, at economic development.

Para kay Cojuangco, maituturing din na golden opportunity para sa Pilipinas at ating policy makers na maging parte ng summit kung saan maipapakita natin ng ang pagiging bukas sa lahat ng mga teknolohiya, kasama ang nuclear, para matugunan ang climate change “economically.”

Facebook Comments