Panukalang huwag buwisan ang honorarium ng mga gurong magsisilbi sa halalan, pag-uusapan

Manila, Philippines – Makikipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para isulong ang panukalang huwag ng buwisan ang honorarium sa mga gurong magsisilbi sa eleksyon.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, layon nitong hindi na mabawasan ang iuuwing kita ng mga guro.

Aniya, imbes na cash card ibabalik ngayong halalan sa cash base ang pagbibigay ng honorarium sa mga gurong magsisilbi sa eleksyon.


Nabatid na mahigit 200,000 guro ang inaaasahang magsisilbi ngayong halalan sa higit na 36,000 polling center sa bansa.

Facebook Comments