Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukalang mag-aamyenda sa K to 12 Basic Education Program.
Layunin ng panukala na malimitahan sa mga nais pumasok sa kolehiyo ang mga kailangang kumuha ng senior high school.
Sa kasalukuyan kasi, ang lahat ng nagtapos ng junior high school ay kailangang kumuha ng senior high school para makatanggap ng high school diploma.
Binibigyan naman ng Komite ng isang linggo ang mga stakeholder para magsumite ng kanilang mga position paper bago isapinal ang bersyon ng panukalang Education Pathways Act na isusumite sa plenaryo ng House of Representatives.
Facebook Comments