Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para i-exempt ang karagdagang nurses at health workers mula sa ipinapatupad na temporary overseas deployment ban ng pamahalaan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sakop ng proposed exemption ay ang mga medical workers na kumpleto ang mga papeles at deployment requirements hanggang August 31, isinumite na sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Kapag naaprubahan ito, tinatayang nasa 1,200 healthcare workers ang papayagang makaalis ng bansa.
Sa kasalukuyan, tanging mga returning workers na may Overseas Employment Contracts (OECs) exemption certificates, mga bagong hire na may kontratang pirmado bago ang March 8 at mayroong OECs at mga seafarers na dating na-hire bilang doctor at nurses ang pinapayagang umalis.