Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 10284 o panukalang i-regulate ang “paluwagan system” sa ating bansa na isang popular na paraan ng pag-iipon ng pera ng mga Pilipino.
231 ang mga kongresista na bomoto pabor at 3 ang tutol sa panukala na layuning gawing pormal at palakasin ang proteksyon at pakinabang ng mga kababayan natin sumasali sa mga paluwagan.
Iniuutos ng panukala ang pagbuo ng Community Paluwagan Administration na isang independent agency sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang tututok sa operasyon ng paluwagan.
Ito rin ang malalatag ng patakaran sa pagtatag at pagpaparehistro ng mga paluwagan.
Nakapaloob din sa panukala ang pagkakaroon ng insurance para sa mga miyembro ng paluwagan.