Panukalang ibaba ang age of criminal responsibility, sisimulang talakayin ng Senado ngayon

Manila, Philippines – Alas-dose mamayang tanghali ay sisimulan na ng Committee on Justice ang pagtalakay sa panukalang inihain ni Senate President Tito Sotto III na ibaba sa 12-years old ang minimum age of criminal responsibility.

Mas mataas ito sa syam na taong gulang na isinusulong sa Kamara.

Sabi ni Senator Richard Gordon na syang chairman ng komite, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag ng pagkabahala sa pagkasangkot ng mga bata sa ilegal na droga.


Kwento ni Gordon, halos mangiyak-ngiyak ang Pangulo ng banggitin ito sa kanyang habang isinasagawa ang state dinner para sa bumibisitang Sri Lankan President.

Sa tingin ni Senator Gordon, dapat tiyakin sa batas ang kaayusan ng mga halfway houses na siyang paglalagyan sa mga bata na makagagawa ng krimen.

Paliwanag ni Gordon, kapag umabot na sa 18-years old ang bata ay saka pa lamang nito itutuloy sa pangkaraniwang bilangguan ang kanyang sistensya.

Facebook Comments