Panukalang ibaba ang height requirement para sa mga gustong maging pulis, bumbero at bantay sa bilangguan, lusot na sa Senado

Sa botong 23 o pagpabor ng lahat ng mga senador ay lusot na sa third and final reading ng Senado ang Senate Bill Number 1563 o Height Equality Bill na inisponsor ni Committee on Public Order Chairman Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Nakapaloob sa panukala ang ibinabang height requirement para sa mga gustong pumasok sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections.

Itinatakda ng panukala na ibaba sa 5-feet 2-inches ang height requirement para sa mga lalaking nais maging pulis, bumbero at bantay ng bilangguan at 5-feet naman para sa mga babae.


Inaalis naman ng panukala ang height requirement para sa mga katutubo o kasapi ng cultural communities o indigenous people.

Facebook Comments