Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ang House Bill 8858 o pagbaba sa Minimum Age of Criminal Responsibility sa dose anyos.
Sa ilalim ng panukala, itatakda na sa 12-anyos mula sa 15-anyos ang edad ng mga batang sasailalim sa rehabilitasyon at reporma sa oras na makalabag sa batas.
Nakasaad sa panukala na hindi ikukulong at hindi ituturing na kriminal ang mga children in conflict with the law.
Ang mga batang nakagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang tanging sasailalim sa rehabilitation at confinement sa Bahay Pag-asa o sa agricultural camp at training center.
Ang mga tao o sindikatong gagamit naman sa mga kabataan sa paggawa ng krimen ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Tiniyak din na magiging ‘confidential’ ang mga record ng mga batang lumabag sa batas.