Isinusulong sa Kamara ang panukalang pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct o GMRC bilang subject na ituturo sa mga paaralan.
Ayon kay House Committee on Education and Culture Chairperson, Pasig City Rep. Roman Romulo, napapansin na kasi na iba ang ugali ng mga kabataan ngayon kumpara noon.
Sa subject na GMRC, ituturo ang paggalang, pagiging tapat, pagtulong, malasakit sa kapwa, pagsunod sa batas at sa mga nakakatanda.
Pero sinabi ni Dept. of Education (DepEd) Spokesperson, Usec. Annalyn Sevilla, itinuturo na ang GMRC sa Curriculum ng K-12.
Pag-aaralan ng DepEd kung ibabalik ang GMRC sa Curriculum habang bumuo na ng Technical Working Group sa Kamara para pag-isahin ang mga panukalang nagsusulong nito.
Facebook Comments