Panukalang ibalik ang kapangyarihan ng NFA sa pagbili at pagbenta ng murang bigas, tinutulan ng isang senador

Sa kabila ng pagpabor na panukang amyendahan ang ilang probisyon sa Rice Tarification Law, tinutulan ni Sen. Cynthia Villar ang panukalang ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority sa pagbili at pagbenta ng murang bigas sa merkado.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni Villar na pinuno ng Senate Committee on Agriculture and Food at isa sa proponent ng RTL na pagmumulan lang ng korapsyon at pang-aabuso kung muling bibigyan ng kapangyarihan ang NFA.

Para kay Villar, mas magandang ibigay na lang ang kapangyarihan ng NFA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Hindi pabor ang senadora na buwagin ang NFA dahil sa libu-libong empleyado ang mawawalan ng trabaho kaya dapat manatili na lang ang kanilang mandato na bumili ng bigas sa mga local farmers at ipapamahagi sa panahon ng kalamidad.

Kasabay nito, hinamon ni Villar ang mga kapwa mambabatas na ipasa na ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Law o Senate Bill 2432 na syang solusyon para mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Disyembre pa noong nakaraang taon ng maipasa ito sa Senado at sinertipikahan pang urgent ni Pangulong Marcos ngunit hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa Bicameral Conference Committee.

Facebook Comments