Sa botong pabor ng 270 mga mambabatas ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7986.
Ito ang panukalang ideklara ang August 1 ng kada taon na isang special working holiday bilang selebrasyon ng Solemn Declaration of Philippine Independence o Bacoor Assembly.
Basehan ng panukala ang opisyal na anunsyo ng Philippine Independence sa bahagi ng Bacoor, Cavite noong August 1, 1898.
Ang panukala ay iniakda nina Cavite Representatives Lani Mercado-Revilla, Jolo Revilla, Elpidio Barzaga, Aniela Tolentino, Roy Loyola, at Adrian Advincula, kasama din si Manila Representative Edward Maceda.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalaga ang panukala upang mabigyang pagkilala ang napakahalagang kasaysayan ng ating bansa.