Inaprubahan na ng House Committee on Youth and Sports ang House Bill 8268 o panukala na ideklara ang Abril bilang National Basketball Month.
Binigyang-diin sa panukala ang positibong epekto ng basketball sa ating kultura at lipunan sa kabuuan at ang ambag nito sa physical activity at malusog na pangangatawan.
Nakapaloob sa panukala ang paggawa at pagpapatupad gumawa ng taunang programa at mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang.
Halimbawa nito pagkakaroon ng basketball event sa mga parke, pagdaraos ng inter-barangay, exhibition games, at libreng training, coaching, at officiating ng basketball.
Inaatasan naman ng panukala na magpatupad nito ang Philippine Sports Commission katuwang ang Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, Games and Amusement Board, Department of the Interior and Local Government at mga national sports association.