
Pag-aaralan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang gawing taunang non-working holiday ang Pebrero 25 para sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.
Ito’y matapos ihain sa Kamara ang House Bill 7911 na nagsusulong na maibalik ang Feb. 25 bilang regular holiday.
Sa ngayon, idineklara ang Pebrero 25, 2026 bilang special working day para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA.
Ibig sabihin, bukas ang mga opisina at paaralan at walang dagdag na bayad ang mga papasok sa trabaho.
Noong 2023, inilipat ang paggunita sa Pebrero 24 bilang special non-working day sa ilalim ng holiday economics.
Sa mga sumunod na taon, hindi na ito idineklarang holiday.
Facebook Comments










