Panukalang ideklara ang July 12 bilang ‘West Philippine Sea Victory Day,’ inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ni Magdalo Party-list Representative Manuel Cabochan III sa Kamara ang panukalang ideklara ang July 12 bilang special working holiday.

Ito ay paggunita sa pagpabor ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Pilipinas kaugnay sa sigalot sa South China Sea.

Ayon kay Cabochan – layunin ng House Bill 1947 na bigyang pag-alala ang “West Philippine Sea Victory Day” sa July 12.


Iginiit din ng mambabatas ang kahalagahan ng PCA ruling upang ipakita sa mundo na ang Pilipinas, kahit isang maliit na nasyon, ay kayang tumayo at manindigan bilang isang independent at sovereign state.

Inaatasahan din ng panukala ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na isama sa curriculum ang background tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Hihimukin din ng panukala ang gobyerno na kilalanin ang PCA ruling.

Facebook Comments