Panukalang ihinto ang pagpapataw ng excise at value added tax sa produktong petrolyo, kailangang pag-aralang mabuti

Para kay House Appropriations Committee Senior-Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo, kailangang timbangin at pag-aralang mabuti ang panukalang suspendihin muna ang pagpapataw ng excise at value added tax o VAT sa produktong petrolyo.

Paliwanag ni Quimbo, ang nakokolektang buwis ay ginagamit ng pamahalaan panggastos at sa pagbibigay ng serbisyo.

Sinabi ni Quimbo na bukod dito ay kailangan ding ikonsidera ang medyo bumagal na gross domestic product o GDP growth sa 2nd quarter ng kasalukuyang taon.


Diin ni Quimbo, marami namang mga alternatibong paraan para mabawasan ang epekto ng oil price hike, tulad ng pagbibigay ng subsidiya.

Pangunahing binanggit ni Quimbo ang fuel subsidy sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture (DA) gayundin ang subsidy program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments