Panukalang ikulong ang mga ama na hindi magsusustento sa kanilang mga anak, lusot na sa House committee level

Inaprubahan na ng House Committee on Welfare of Children ang Substitute Bill o panukalang “An Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof.”

Ang naturang substitute bill ay pangunahing iniakda ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at mga kasama niyang sina ACT-CIS Party-list Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, gayundin sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo.

Ayon kay Congressman Erwin Tulfo, nakapaloob sa panukala ang 6 na taong pagkulong sa mga ‘deadbeat’ father na mabibigong magbigay ng paternal child support.


Dagdag pa ni Tulfo, makakatulong ang panukala sa halos 15 milyong mga solo parents lalo na sa mga ina, para hindi na nila kailanganin na magmakaawa sa ama ng kanilang anak na magbigay ng sustento.

Sabi naman ni Congressman Rep. Yap, layunin ng panukala na matiyak na magagampanan ng mga ama ang kanilang obligasyong pinansyal sa kanilang mga anak.

Facebook Comments