Iginiit ng Department of Finance (DOF) na ang mungkahing ilagay ang Metro Manila at CALABARZON sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa lalong madaling panahon ay layong mabigay sa publiko ng kumpiyansa sa gitna ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, mahalagang maibigay sa publiko ang tiwalang may kakayahan ang Pamahalaan na maibigay ng serbisyong pangkalusugan na kailangan nila sakaling magkasakit sila.
Binigyang diin ni Dominguez na panahon na para makabalik ang mga tao sa kanilang mga trabaho at kanilang kabuhayan lalo na at naubos na ang kanilang ipon sa panahon ng pandemya.
Naniniwala ang kalihim na ang consumer confidence ay susi sa pagbangon ng ekonomiya.
Facebook Comments