Panukalang ilibre sa personal income tax ang mga manggagawang sumasahod ng 21,000 pesos pababa, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Malilibre na sa personal income tax ang mga manggagawang sumasahod ng P21,000 pababa kada buwan.

Ito ay kung lulusot sa kongreso ang panukalang batas na nagsusulong sa tax reform.

Ayon kay Cong. Dakila Cua, chairman ng House Committee on Ways and Means – target ng panukala na palakihin ang bilang ng mga libre sa tax at patawan naman nang mas mabigat ang sobrang laki kumita.


Pero dahil kabawasan sa kita gobyerno ang pagdami ng malilibre sa income tax, may mga panukala ring pamabawi-kita.

Kabilang na rito ang pagtataas sa excise tax ng mga produktong petrolyo na aabot sa anim na piso kada litro.

Ayon naman kay Louie Corral, National Vice President ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines, balewala rin ang epekto ng reform tax kung itataas naman ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Samantala, target na maipasa ang naturang panukala bago mag-Hunyo.

Facebook Comments