Panukalang increase sa minimum wage, dapat balansehin sa hanay ng naghihikahos na maliliit na negosyo

Pabor si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na madagdagan ng ₱100 ang daily minimum wage para sa mga mangagawa sa pribadong sektor.

Para kay Garin, maganda ang intensyon ng wage increase pero kanyang iginiit na kailangan itong balansehin sa intres ng mga maliliit na negosyo sa Pilipinas.

Ayon kay Garin, 90% ng mga negosyo sa bansa ay ang micro, small and medium enterprises o MSMEs na umaabot sa milyun-milyon ang mga manggagawang Pilipino.


Paliwanag ni Garin, kapag itinaas ang sweldo ay dapat tiyakin na kakayanin ito ng mga negosyo upang hindi maging sanhi ng kanilang pagsasara kung saan marami ang mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments