Panukalang Independent Commission na mag-iimbestiga sa lahat ng katiwalian sa infrastructure projects sa gobyerno, magsisilbing “people’s watchdog” ayon sa isang senador

Magsisilbing “people’s watchdog” ang paglikha at pagsasabatas ng isang independent commission na sisiyasat sa mga maanomalyang infrastructure projects sa gobyerno.

Inendorso na ni Senator Kiko Pangilinan ang panukalang batas para sa pagtalakay at pagpasa ng panukalang magtatatag sa Independent People’s Commission (IPC).

Iginiit ni Pangilinan na kailangan ng unprecedented na pagpapanagot sa mga mapapatunayang sangkot sa katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan dahil unprecedented din ang kurakot at krimen na nagawa rito tulad ng matinding pagbaha.

Kabilang sa mga kapangyarihan na ibibigay sa IPC ay ang kapangyarihang magpa-subpoena, pagsuspindi at magpa-freeze ng assets, magpa-contempt, magbigay ng witness immunity at protection at magpa-isyu ng look out orders at magrekomenda ng hold departure orders.

Ang mga pagdinig ng IPC ay bukas sa publiko at pinatitiyak na patas, batay sa katotohanan at batas ang imbestigasyong gagawin ng komisyon.

Facebook Comments