Panukalang infomercial nina Pangulong Duterte at VPRobredo, malabo

Malabnaw ang Malacañang sa panukala ng mga senador na magsama sa isang “vaccine infomercial” sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mangyayari lamang ito kung isasantabi ni VP Robredo ang pulitika at aaminin na ang Sinovac COVID-19 vaccine ay epektibo.

Giit ni Roque, hindi niya nakikitang ie-endorso ni Robredo ang Sinovac na una na niyang kinuwestyon noong simula ng vaccination rollout.


Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ni VP Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na bukas ang pangalawang pangulo sa anumang suwestyon para makatulong sa taong-bayan.

Handa rin aniya na isantabi ni Robredo ang pulitika, maibalik lang ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Facebook Comments