Isinusulong ngayon sa kamara ang panukalang ipagbawal ang “handshake” o pakikipagkamay.
Paliwanag ng nahain ng resolusyon na si Marikina City Rep. Bayani Fernando, ito ay para maiwasang magkahawaan ng sakit.
Aniya, 19th century pa nadiskubre ni Louis Pasteur na pakikipagkamay ang isa sa dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit.
Si Pasteur ay isang French Biologist na kilala sa matagumpay nitong pananaliksik sa mga sanhi at paraan para makaiwas sa sakit.
Kaya sa halip na makipagkamay, iminungkahi ng kongresista na ilagay na lang ang isang kamay sa dibdib o kaya ay yumuko bilang paraan ng pagbati.
Tinanggap naman aniya ng House Education Committee ang kanyang panukala.
Facebook Comments