Panukalang ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan, suportado ng grupo ng mga guro

Suportado ng Teachers Dignity Coalition ang panukala ng isang senador na ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan.

Sinabi ni Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, nawawala talaga ang focus ng mga estudyante kapag gumagamit sila ng cellphone sa loob ng paaralan.

Aniya, base na rin sa pag-aaral, malaki ang epekto ng paggamit ng cellphone sa learning ng mga bata.


Bukod sa nakaka-destruct ang paggamit ng cellphone sa klase ay maituturing din aniya itong addictive.

Pero para kay Basas, dapat ay i-regulate lamang ang paggamit nito at dapat ay sa loob lamang ng paaralan.

Sa ngayon, base sa direktiba ng Department of Education ay mahigpit talagang ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan.

Sa panig mga mga private schools, ipinagbabawal din ng iba ang paggamit nito sa loob ng kanilang eskwelahan.

Samantala, pagdating naman sa alternative learning modality dahil sa sobrang init ng panahon, sinabi ni Basas na dapat na talagang ibalik ang dating school calendar para hindi na madalas suspendehin ang mga klase.

Facebook Comments