Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataang Election hanggang sa Mayo 2018.
Ito’y matapos i-sponsor ni House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chairman Sherwin Tugna sa plenaryo.
Inaasahang pagtitibayin ito sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo at maging batas upang hindi maabutan ng election day na unang itinakda sa ikatlong Lunes ng Oktubre.
Base sa nasabing panukala, isasagawa ang eleksyon sa ikalawang Lunes sa Mayo 2018 kung saan lahat ng mga incumbent barangay officials ay mananatili sa kanilang puwesto.
Facebook Comments