Manila, Philippines – Inaprubahan na ng tatlong komite sa Senado ang Senate Bill 1043 o ang panukala na ipagpaliban sa May 2023 ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections na nakatakdang gawin sa May 2020.
Ito ang nakasaad sa Senate Committee report number 4 na pirmado ng labing-apat na senador.
Kasama sa lumagda si Senate minority leader Franklin Drilon pero nilinaw niya ang pagtutol sa petsang May 2023.
Ang panukala ay inendorso ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos, Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino at Finance Committee na pinamumunuan naman ni Senator Sonny Angara.
Ang huling barangay elections ay idinaos noong May 2018 at base sa panukala ay mananatili sa pwesto ang kasalukuyang mga halal na opisyal ng barangay hanggang sa susunod na eleksyon sa taong 2023.